Patok ngayon sa social media ang twin sisters na sina Brittany at Briana Deane na pinakasalan ang twin brothers na sina Josh at Jeremy Salyers.

Nagtagpo ang pares ng kambal na ito noong 2017 sa Twins Day Festival ng Twinsburg, Ohio kung saan dinadaluhan ng mga biological twins, triplets, quadruplets, at iba pa.

Makalipas ang isang taon matapos ang kani-kanilang kasal, nagdalang tao ang mag-ateng Brittany at Briana. Unang ipinanganak si Jett na anak nina Brittany at Josh, habang sumunod naman pagkalipas ng limang buwan ang anak nila Jeremy at Briana na pinangalanan nilang Jax.

Magpinsan ang dalawang batang ito pero matatawag silang quaternary twins dahil sa taglay nilang dalawang DNA set na nanggaling sa kanilang magulang.

Sa madaling salita, masasabing kambal pa rin ang dalawang batang ito.

-- ADVERTISEMENT --