Kabilang ang magkapatid na babae sa tatlong namatay sa pagsabog ng fireworks sa Honolulu, Hawaii sa pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang kinumpirma ng miyembro ng kanilang pamilya.

Kinilala ang magkapatid na sina Carmelita Turalva Benigno at Nelly Turalva Ibarra, habang ang isa pang biktima ay binawian ng buhay sa ospital.

Sinabi ni Rylan Benigno, anak ni Carmelita, nagtamo din ng paso ang kapatid niyang babae, pamangkin, at tatlong taong gulang na apo at nagpapagaling na ang mga ito sa ospital.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagsabog ay mula sa tinawag nilang “cake,” kumpol ng tubo na naglalaman ng hanggang 50 aerial rockets.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ang itinuturing na pinakamalala na fireworks-related incident sa Hawaii sa loon ng 14 na taon.

Umaabot din sa 20 ang nasugatan dahil sa nasabing pagsabog.

Dahil dito, nangako ang mga opisyal sa Hawaii ang mas mahigpit at mas mabigat na penalties sa illegal fireworks.