TUGUEGARAO CITY- Natagpuan na ang bangkay ng magkapatid na nalunod sa Chico river sa Purok 2, Bulanao, Tabuk City, Kalinga noong Martes, Pebrero 1.

Ayon kay PMaj. George Acob, incident management commander ng retrieval operations team, unang narekober kahapon ng umaga ang bangkay ng 17-anyos na si Frank Gonzalo sa may bahagi ng pampang ng ilog sa boundary ng Brgy. Socbot at Cabaruan.

Sa di kalayuan o humigit kumulang sa isang kilometro kung saan natagpuan si Frank, ay narekober naman ang bangkay ng 20-anyos na kapatid nito na si Maybelle, kapwa estudyante at residente ng Purok 1.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-outing at nag-swimming ang pamilya Gonzalo at iba pang kamag-anak sa ilog kung saan habang nakalusong sa tubig ang magkapatid at habang sila ay kumukuha ng larawan ay tinangay umano sila ng malakas na agos ng tubig.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa PDRRMC, CDRRMO, Tabuk PNP at BFP ay tumulong rin sa paghahanap ang Philippine Coast Guard RO2 at rescue unit ng Amulung, Cagayan.