
Aalis na ang dalawang sikat na pandas mula sa zoo sa Japan sa Enero 27 para makasama ang kanilang kapatid na babae sa China.
Dahil dito, wala nang panda ang Japan matapos ang kalahating siglo.
Bilang bahagi ng “panda diplomacy” programme ng China, ang katangitangi na black-and-white na hayop ay simbolo ng pagkakaibigan sa pagitan ng Beijing at Tokyo buhat ng pagbabalik ng normal na diplomaties ties ng dalawang bansa noong 1972.
Sa kasalukuyan, may dalawang panda ang Japan, sina Lei Lei at Xiao Xiao, sa Zoological Gardens sa Ueno sa Tokyo.
Sinabi ng Tokyo Metropolitan Government na namamahala sa Ueno Zoo na ang huling public viewing sa dalawang panda ay sa Enero 25.
Kasunod nito ay ililipad na ang kambal na panda palabas ng Japan sa Enero 27.
Nakatakdang makarating ang mga ito sa Enero 28 sa isang pasilidad sa China kung saan naroon ang kanilang mas nakatatandang kapatid na babae na si Xiang Xiang.
Maraming fans ang umiyak nang iwan ni Xiang Xiang ang Ueno Zoo noong 2023.
Bumagsak ang relasyon ng dalawang bansa matapos na ipahiwatig ni premiere Sanae Takaichi ng Japan na maaaring makialam ang militar ng kanilang bansa sakaling may magsasagawa ng pag-atake sa Taiwan.
Ikinagalit ito ng China, na itinuturing ang Taiwan na kanilang teritoryo.










