Tuguegarao City- Narekober na ng mga otoridad ang katawan ng magkapatid na nalunod sa Brgy. Babaywan, Amulung kahapon.

Unang natagpuan ng search and rescue team ang labi ni Diana 8 yrs.old kaninang madaling araw habang kaninang 9:00 am naman ang kanyang kuya na si John Loyd, 11 yrs old sa sa ilog sa Brgy. Baculud.

Sinabi ni PMAJ. Edgar Manuel Jr., sakay ang magkapatid kasama ng dalawang iba sa bangka nang mahulog ang magkapatid sa malalim na bahagi ng ilog.

Ayon kay Manuel, mangunguha sana umano ng tulya at maliligo ang mga ito sa ilog.