TUGUEGARAO CITY- Naghihinagpis ang isang ina matapos na dalawa sa kanyang anak na lalaki ang namatay matapos na sila ay magsaksakan sa Claveria, Cagayan.

Sa imbestigasyon ng PNP, sinabi PMsgt. Richie Roger Hernandez na bago ang insidente, sinaksak ni Bernardino Semana ang kanyang ina na nasugatan sa kamay.

Tumakbo ang ina at nagpasakloklo sa isa pa niyang anak na si Jonvy dahil sa dalawang kutsilo na hawak ng anak hanggang sa sila ng magkapatid ang naghabulan.

Sinabi ni Hernandez na naagaw ni Jonvy ang isa sa dalawang patalim na hawak ni Bernardino hanggang sa nagsaksakn na silang dalawa.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan at ulo ang dalawa na dahilan ng kanilang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid pa mula kay Hernandez na may problema umano sa pag-iisip si Bernardino at nakainom pa ng alak ng mangyari ang insidente.