Dalawang magkapatid ang namatay nang matabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Aluhing Maliit, Barangay San Lorenzo, Mauban, Quezon nitong Setyembre 14.

Ito ay dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Batay sa isang residente, madalas magkaroon ng landslide sa kanilang barangay, lalo na’t napapalibutan ito ng kabundukan.

Mabilis din bahain ang lugar, kung saan tila lalo pang lumala ang sitwasyon mula nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang umano’y palpak na drainage system sa bypass road sa Brgy. Soledad.

Kaya pinaalalahanan na ngayon ang mga residente na huwag dumaan sa mga apektadong lugar habang isinasagawa ang pag-aayos ng lokal na pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --