Muling nahaharap sa kasong illegal logging ang magkapatid na natukoy na may-ari ng mga inabandonang tinistis na kahoy sa bayan ng Gonzaga.

Ayon kay PSMSGT Darwin Ponce, imbestigador ng PNP-Gonzaga, dati nang nakasuhan sa kaparehong kaso ang hindi na pinangalanang magkapatid na residente sa Brgy Santa Clara na bumalik sa kanilang illegal na gawain.

Aabot naman sa 2,180 board feet ng mga pinutil na red lauan ang narekober ng pulisya sa Sitio Bagsang sa naturang barangay at ang itinuturong may-ari ay ang magkapatid na suspek.

Tinataya itong nagkakahalaga ng P152K na nakahanda na umanong ibiyahe upang ibenta ng mga suspek.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga dokumento para sa regular na pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --