TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang National Meat Inspection Service (NMIS)region 2 na matatanggal ang pag-ban sa pagpasok ng mga pork products sa ilang probinsiya sa rehiyon bago ang Christmas season.

Ayon kay Ronnie Ernst Duque, Bagong Director ng NMIS-region 2, ito ay para hindi magkulang ang supply ng karne ng baboy bago ang peak season.

Bagamat aniya, sapat pa ang kinukunsumong karne ng baboy sa rehiyon , maari umano itong magkulang kung hindi tatanggalin ang pag-ban sa pagpasok ng karne ng baboy.

Dahil dito, sinabi ni Duque na kinakailangang agad na masolusyonan ang isyu ng African Swine Fever (ASF)sa bansa para muling magbukas ng mga borders sa mga lalawigan na total ban sa pagpasok ng karne ng baboy.

Sa ngayon, mahigpit ang ginagawang checkpoint ng iba’t-ibang ahensiya tulad ng Department of Agriculture sa bayan ng Sta Praxedes dito sa cagayan maging sa Nueva Vizcaya,quirino , at Isabela para matiyak na walang makakapasok na karne at alagang baboy sa rehiyon mula sa ibang lugar.

-- ADVERTISEMENT --