Isasagawa bukas sa lungsod ng Tuguegarao ang regional consultations para sa ‘Magna of the Poor Implementing Rules and Regulations’ na pangungunahan ng National Anti-poverty Commision (NAPC).
Ayon kay Manrico De Leon ng NAPC RO2 na partikular na tatalakayin sa konsultasyon ang draft ng IRR hingil sa Batas Magna Carta na nakapaloob sa istratehiyang nakabase sa mga karapatan ng mga mahihirap.
Inaasahang dadaluhan ito ng mga delegasyon mula sa civil society organizations, LGUs at iba pang grupo mula sa limang probinsiya sa lambak ng Cagayan.
Matatandaang nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11291 o ang “Magna Carta of the Poor” na magbibigay ng full access sa mahihirap sa mga serbisyo ng gobyerno.
Ayon kay De Leon na layon ng bagong batas na bumuo ng isang national poverty reduction plan para sa pangunahing pangangailangan ng mga Filipino tulad ng pagkain, edukasyon, pabahay at health care.
Makakatuwang ng NAPC sa isasagawang regional consultation ang National Development Authority (NEDA) at Department of Interior and Local Government (DILG).