Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Santa Ana, Cagayan bandang 1:49 ng hapon nitong Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 62 kilometers Northwest ng Santa Ana.

may lalim itong 1 kilometer at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na hindi ito nagdulot ng pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

-- ADVERTISEMENT --