Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ngayong hapon ang Ilocos Norte na aftershocks ng 5.4 magnitude na tumama sa lugar noong May 6, 2019.

Tumama ang lindol sa 40 kilometers Northwest ng Pagudpud na may lalim na 2Kms at tectonic ang origin bandang 2:20 ng hapon.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Intrumental intensities naman sa mga sumusunod:

Intensity 3 – Pasuquin, Ilocos Norte

-- ADVERTISEMENT --

Intensity 2 – Laoag City

Intensity 1 – Sinait, Ilocos Sur at Claveria, Cagayan

Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lugar.