Tuguegarao City- Naramdaman ang 4.7 magnitude na lindol sa bahagi ng Claveria, Cagayan pasado alas 9 kagabi.

Naramdaman din ito sa bahagi ng Pamplona, sanches Mira, sta praxedes at iba pang mga kalapit na bayan.

Sa panayam kay Michael Conag, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense ay wala namang mga naitalang pinsala bunsod ng nasabing pagyanig.

Wala ring inaasahang aftershock.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang OCD sa ibang mga LGU upang matukoy kung may mga nasaktan sa nasabing lindol

-- ADVERTISEMENT --