Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Ilocos Norte kaninang hapon, Oktubre 17, 2025, alas-4:14, ayon sa PHIVOLCS.
Natukoy ang sentro ng lindol sa 11 km hilaga, 32° kanluran ng Pagudpud na may 10 km lalim.
Naramdaman ang Intensity III sa Bacarra, Ilocos Norte; Intensity II sa Claveria, Cagayan; San Nicolas, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; at Intensity I sa Vigan City.
Ilang oras bago ang pagyanig, nagsagawa pa ng earthquake drill ang rehiyon bilang bahagi ng paghahanda sa sakuna.
Makikita sa larawan ang mga estudyante sa Laoag City na nagsilikas patungo sa open area matapos maramdaman ang lindol na tumama sa Pagudpud at yumanig sa buong Ilocos Norte.
Bandang 4:31 p.m naman nang muling naitala ng DOST-PHIVOLCS ang magnitude 5.0 na lindol sa Pagudpud
Wala pang naiulat na pinsala o nasugatan, ngunit patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang mga posibleng aftershocks.