Isang magnitude 5.3 na lindol ang naitala sa karagatan ng Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang lindol bandang 7:13 a.m., na may epicenter sa 286 kilometro timog-silangang bahagi ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 10 kilometro.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala, ngunit posible ang mga aftershock kasunod ng lindol. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto.