Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Calayan, Cagayan ngayong Biyernes ng gabi, June 26.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) head Renato Solidum, tumama ang lindol sa layong 47 kilometers Southwest ng Calayan bandang 7:54 ng gabi.
45 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV- Calayan, Cagayan
Intensity III – Bacarra, Ilocos Norte at Flora, Apayao
Intensity II – Sinait, Ilocos Norte
Naramdaman din ang Instrumental Intensities sa:
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity II – Vigan City
Sinabi ni Solidum na maaaring magkaroon ng aftershocks ngunit hindi naman umano magiging mapaminsala.