Isang magnitude 5.4 na lindol ang yumanig sa karagatang bahagi ng Northern Samar kaninang 12:41 PM, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang epicenter nito sa coordinate na 12.83°N, 126.02°E – 091 km N 65° E ng bayan ng Mapanas.
May lalim itong 10 kilometro at itinuturing na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naramdaman ang intensity II sa bayan ng Palapag.
Bagama’t walang inaasahang pinsala, nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng aftershocks.
-- ADVERTISEMENT --