
Hindi pa natatapos ang pag-uga ng lupa sa lalawigan matapos maitala ang isa na namang malakas na magnitude 5.5 na lindol ganap na alas-4:34 ngayong hapon, Enero 28, 2026.
Ayon sa PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 46 kilometro sa kanluran ng Kalamansig na may lalim na 10 kilometro.
Dahil sa serye ng malalakas na pagyanig mula pa kaninang tanghali, nananatili ang Instrumental Intensity V sa mga bayan ng Kalamansig at Lebak.
Ang panibagong lindol na ito ay nagdulot muli ng takot sa mga residente na kasalukuyan nang nasa mga evacuation centers o open spaces dahil sa ipinatupad na pre-emptive evacuation.
Tiniyak ng mga otoridad na patuloy ang kanilang pagbabantay sa anumang pinsalang idudulot ng walang humpay na seismic activity sa rehiyon.









