
Walang banta ng tsunami sa bansa mula sa magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Unang iniulat ng Phivolcs ang magnitude 6.7 na lindol subalit ibinaba ang lakas nito sa magnitude 6.4 sa kanilang bulletin.
Nangyari ang lindol sa 55 kilometers northeast ng bayan ng Manay kaninang 11:02 a.m., ayon sa datos ng Phivolcs.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa bayan ng Maluyong, Saranggani; at Intensity II sa Davao City.
Idinagdag pa ng Phivolcs na asahan ang aftershocks mula sa nasabing pagyanig.
-- ADVERTISEMENT --










