TUGUEGARAO CITY- Ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis ang nakikitang dahilan ng PNP sa pagbigti ng isang magsasaka sa Allacapan, Cagayan.

Sinabi ni PCAPT Nestor Pascual, hepe ng PNP Allacapan na batay sa kanilang imbestigasyon, nakita na lang ng kanyang mga kaanak ang biktima na si Nicanor Dela Cruz na nakabitin ito sa kanyang tinitirhang bahay at wala nang buhay.

Ayon kay Pascual, sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Edgar, na una nang nagtangkang magpakamatay ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot subalit agad nila itong nadala sa pagamutan.

Sinabi ni Edgar na problema umano ng kanyang kapatid ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis na nasa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --