Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang isang magsasaka dahil sa itinatagong mga baril at bala na walang mga lisensya sa Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Harold Ocfemia, chief of police ng PNP Peñablanca ang suspect na si Alyas Bert, 59 anyos at residente ng Brgy.Quibal.

Isinagawa ang pag-aresto kay Bert matapos ang search warrant sa kanyang tahanan.

Nakuha mula sa bahay ng suspect ang isang unit ng improvised 12-gauge shotgun , isang Magnum 22-caliber at 19 na mga bala.