TUGUEGARAO CITY-Iginiit ng mga magsasaka ng tabako na ibigay ang makatarungang presyo sa kanilang mga produkto kasabay ng isinagawang diyalogo at ticket rally sa lungsod ng Maynila noong Sept 25, 2019.
Ayon kay Cita Manaligod ng grupong magsasaka, napakababa ang pagbili sa tabako kung saan sa probinsiya ng Isabela ay umaabot sa P28 per-kilo.
Aniya, iginiit ng mga magsasaka na sana ay itaas sa P40 hanggang P60 per kilo sa may pinakamababang klase ng tabako habang itaas naman sa P128 per kilo ang may pinakamataas na klase nito, na sa ngayon ay binibili sa P90 lamang per kilo.
Sinabi ni Manaligod na sa kabila ng mahirap na pagtatanim ng tabako ay napakataas naman ang naikakaltas sa inputs sa contact growing sa universal leaf Philippines kung saan umaabot sa P60,000 ang naibabawas sa pagbenta ng kanilang produktong tabako.
Bukod dito, inilapit din umano ng mga magsasaka ang paghigpit ng universal leaf Phil. sa moisture requirements kung saan hindi tataas sa 18 percent.
Nabatid na ginagawa kada dalawang taon ang Tobacco Tripartite Consultative Conference (TTCC)para pag-usapan at itakda ang presyo ng tabako na naayon sa leaf grades. .
Samantala,ikinalungkot din ni Manaligod ang mabagal na pagtaas ng presyo ng mga tabako dahil hanggang sa ngayon ay nasa dalawa hanggang tatlong piso pa lamang umano ang naitataas sa presyo ng tabako.