TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan na ang manhunt operation ng kapulisan sa hindi pa nakikilalang lalaki na bumaril-patay sa isang magsasaka sa lungsod ng Tuguegarao, kagabi.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakikipagkwentuhan ang biktima na si Wilcaldo Canaya, 56-anyos ng Barangay Namabbalan Norte sa harap ng bahay ng nagngangalang Lolita Canaya nang biglang dumating ang suspek lulan ng pick up truck.
Binaril ng suspek ang biktima na nagtamo ng tama sa kanyang batok na sanhi ng kamatayan.
Agad namang tumakas ang suspek lulan ng pick up truck patungo sa Isabela.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong cartridge ng M16.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon, blanko pa rin ang kapulisan sa motibo sa pamamaril.