Photo credit to BFP-Kalinga

TUGUEGARAO CITY-Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang magsasaka na tumalon sa irrigation canal sa Tabuk City, Kalinga, kahapon.

Ayon kay Fire Supt. Rogelio Ligus ng bureau of Fire Protection (BFP)-kalinga, sinundo ang biktima na si Marvin Baguio, 43-anyos residente ng Brgy Bulo. ng kanyang asawa mula sa inuman.

Nang mapadaan sa irrigation canal ay sinabi umano ng biktima na maliligo lang dahil siya’y naiinitan at biglang nang tumalon.

Agad namang humingi ng tulong sa mga otoridad ang misis ng biktima nang hindi na ito umahon pa.

Ngunit, oras pa ang nakalipas bago nahanap ang katawan ng biktima dahil malakas ang agos at mataas ang lebel ng tubig dahil sa bagyong Jenny na tumama sa Northern Luzon nitong nakalipas na araw.

-- ADVERTISEMENT --