TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng PNP kung ano ang motibo at kung sino ang mga suspek sa pamamaril-patay sa isang magsasaka sa Camalanmiugan, Cagayan.

Kinilala ni PSSgt. Marvin Lorenzana ng PNP Camalaniugan ang biktima na si Fredelito Ogalde Sr.,45.

Sinabi ni Lorenzana na sa kanilang paunang pagsisiyasat ay pauwi na ang biktima mula sa Aparri sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin siya ng riding-in tandem suspects sa Bngy. Centro Sur.

Ayon kay Lorenzana, may mga tama ng baril sa kanyang likod at dibdib ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng pinaniniwalaang calibre .45 na baril.