Patay ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng dati nitong nakaalitan sa Brgy. Gaggabutan West, Rizal, Cagayan.

Kinilala ni PMaj. Sherwin Viernes, hepe ng PNP Rizal ang biktima na si alyas Bitoy na residente sa Brgy. Illuru Norte habang ang suspek ay si alyas Nito na residente sa Brgy. Nanauatan sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nag-inuman ang dalawa sa kubo na pagmamay-ari ng kanilang kasamahan na si alyas Daryl nang maungkat ang dating alitan ng dalawa kung saan nagtamo ng sugat ang suspek mula sa pananaga ng biktima noong nakaraang taon.

Dito na kinuha ni alyas Nito ang itak at tinaga ng maraming beses si alyas Bitoy dahilan ng pagtamo nito ng maraming sugat sa kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Agad naming tumakas ang suspek habang itinawag ng kanilang kasama na si alyas Daryl ang pangyayari kung saan agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit ideneklang dead on arrival.

Kalaunan ay sumuko rin ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng PNP Rizal at nahaharap sa kasong murder.