Tuguegarao City- Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang magsasakang pinagtulungang pagtatagain ng mag-ama dahil sa “love triangele” sa bayan ng Sta. Ana Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Tomas Arugay, 44, may-asawa habang ang mga suspek ay sina Eddie Amana at ang anak na si Gerald Amana mga pawang residente ng Sitio Limasan, Brgy. San Vicente.

Sa panayam kay PLT Samson Canceran, Deputy COP ng PNP Sta. Ana, dating karelasyon ni Eddie ang live in partner ngayon ni Arugay kung saan ay isa sa dahilan ng pagkakaroon ng alitan.

Kaugnay nito, lasing aniya ang biktima ng pumunta sa bahay ng mga suspek at naghamon ng away na dahilan upang siya ay gantihan.

Sinabi pa ni PLT Canceran na habang nasa daan pauwi si Arugay ay sinundan na siya ng mag-ama at walang anu-anong pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Agad namang isinugod sa pagamutan si Arugay habang pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Samantala, nahaharap pa rin ang mag-ama sa kasong Frustrated Murder.