Walang nakikitang foul play ang kapulisan sa pagkalunod-patay ng isang magsasaka sa bayan ng Sanchez Mira.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Maj. Reymund Baggayan, hepe ng PNP-Sanchez Mira na ito ay batay sa isinagawang pagsusuri sa katawan g bikitimang si Federiko Ilustrado, 75-anyos at residente ng Barangay Bangan.

Ayon kay Baggayan, walang nakitang pasa o anumang sugat sa katawan ng biktima na palatandaan ng foul play.

Nabatid na natagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Calapangan river matapos ang tatlong araw na paghahanap nang ito ay magpaalam na pupunta lamang sa kanyang bukid.