Kulong ang isang magsasaka sa pagbebenta ng hindi otorisadong mga baril sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Kinilala ni PCAPT Jackelyn Urian, deputy chief of police ng PNP-Baggao ang suspek na si Alyas Jack, 29 anyos at residente ng Brgy. Mabini.

Dalawang lingo aniyang minanmanan si Jack dahil sa mga ulat na pagbebenta niya ng baril na walang dokumento, expired at home made.

Nagpanggap bilang poseur buyer ang isa sa mga operatiba sa isinagawang entrapment operation at nang matapos ang transaksyon ay agad hinuli ang suspek nang walang maiprisinta na dokumento sa mga baril.

Isa sa mga ibinenta aniya ng suspek ay shot gun na nagkakahalaga ng P13,000 kung saan naganap ang transaksyon sa pamamagitan ng text.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms.