TUGUEGARAO CITY-Inihahanda na ang kasong pagpatay laban sa mag-aama na sangkot sa pagpatay sa isang magsasaka sa Baggao,Cagayan.

Sinabi ni Police Captain Julifer Narag,Deputy Chief of Police ng PNP Baggao,sa kanilang imbestigasyon, bago ang krimen, nag-inuman umano ang biktima na si Abog Agudes,58 at mag-aamang sina Mario,52,Rannie,28 at Arnulfo Asiong,24,pawang mga residente ng Brngy.Agaman Norte.

Habang nag-iinuman, nagsuntukan ang biktima at si Arnulfo na naawat naman ng kanilang ibang kainuman.

Dahil dito,nagsiuwian na ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit,makalipas ang ilang sandali ay nakita ni Arnulfo si Agudes na papunta sa kanilang bahay at may dalang itak.

Kumuha rin ang mag-aama ng itak at dito na pinagtataga ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.