Patay ang magtiyuhin matapos silang magtagaan sa Bais City, Negros Oriental.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, may dala-dalang dalawang itak ang suspek na kinilalang si Juan Ortega Cabanag, 47-anyos at sumugod at nag-amok sa bahay ng kaniyang pinsan.

Lumabas ang kaniyang tiyuhin na si Silvino Cabanag Romeo, 65-anyos upang umawat pero inundayan ito ng taga ng suspek.

Sugatan ngunit naagaw ng biktima ang isang itak, bago gumanti ng taga na ikinamatay ng suspek.

Pero ang biktima, namatay din dahil sa tinamong sugat.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa mga awtoridad na may problema umano sa pag-iisip ang suspek, at dati na rin siyang nakaalitan ng pamilya ng biktima.

Sinabi pa ng pulisya na nag-ugat ang insidente sa personal na alitan, bagamat inaalam pa kung ano ang eksaktong dahilan ng pag-amok ng suspek.