Maaaring managot ang mga magulang sa mga insidenteng may kinalaman sa karahasan na kinasasangkutan ng mga menor de edad, partikular na ang pananaksak ng isang 14-anyos na batang babae sa loob ng isang paaralan sa Lungsod ng Parañaque, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian noong Linggo.

Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng Civil Code, maaaring managot ang mga magulang ng civil liability.

Ibig sabihin, maaari silang kasuhan at patawan ng parusa.

Tinukoy ni Gatchalian ang insidente kung saan isang 14-anyos na batang babae ang sinaksak ng kanyang kamag-aral gamit ang isang kutsilyo mula sa kusina matapos magtalo sa loob ng Moonwalk National High School noong Marso 26.

Hinihikayat din ni Gatchalian ang mga paaralan na magpatupad ng mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad, dahil nakapasok ang suspek ng isang mapanganib na armas sa paaralan.

-- ADVERTISEMENT --