Hinimok ni Tuguegarao City councilor Maila Que ang konseho na maghain ng isang panukala na naglalayong panagutin sa batas ang mga magulang ng mga menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo.
Ayon kay Que, maaaring managot sa batas o pagmumultahin ang mga magulang na mapapatunayang pumayag na magmaneho ang kanilang mga menor de edad na anak.
Batay sa datos ng Public Order and Safety Unit (POSU) Tuguegarao, kadalasang sangkot sa aksidente sa lansangan ay mga kabataang nakainom ng alak, estudyanteng wala pa sa hustong gulang para magmaneho na nagreresulta sa kanilang pagkamatay.
Naniniwala si Que na mas babantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na yong mga edad na 15 hanggang 17 taong gulang na nakakaligtas pa rin sa criminal liability.