Nagkasa ng interdiction operation ang mga operatiba ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) kahapon kung saan nasabat ang 1,282 gramo ng shabu na mayroong estimated Standard Drug Price na ₱8,717,600.00
Ayon kay PDEG OIC PCol. Rolando Cuya naharang ang kontrabando sa UPS Freeport Zone, Clarkfield, Pampanga.
Agad dinala ang mga nakumpiskang shabu sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory analysis/examination.
Kasunod nito, patuloy ang operasyon ng mga otoridad upang maaresto ang mga nasa likod ng nasabing illegal shipment na sina alias Jerry at ang consignee na si alias Alex ng Cavite.