TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa mahigit 1, 000 ang namatay at mahigit 1, 500 ang nasugatan sa 5.9 magnitude na lindol sa Afghanistan, ayon sa Culture and Information Department ng Taliban.
Sa ngayon ay patuloy ang search and rescue sa site ng disaster sa liblib na lugar ng Paktika at Khost provinces.
Sinabi ng head ng Information and Culture Department na si Muhammad Amin Huzaifa na naghuhukay ang mga tao sa Paktika na higit na tinamaan ng lindol.
Ayon sa kanya, nagpapahirap sa mga nagsasagawa ng rescue ang pag-ulan at sa maraming bahay at mga gusali na na nasira ay may ilang residente ang nakulong.
Sinabi naman ni interior ministry official Salahuddin Ayubi na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawa dahil ang ilang villages ay nasa liblib na lugar sa kabundukan at nahihirapan din sila na makakuha ng iba pang detalye.
Ayon naman sa isang tribal leader sa Paktika province na nagtutulungan ang mga survivors para tulungan ang mga apektado ng sakuna.
Nagpadala na rin ang mga otoridad ng helicopters at nananawagan sila sa mga aid agencies na tulungan sila sa rescue operation.
Sinabi naman ng international rescue committee na nagpadala na sila ng local medical team para makatulong sa mga apektadong mamamamayan.
Ayon naman sa UN deputy special representative to Afghanistan na nasa 2, 000 na bahay ang nasira dahil sa pagyanig at ang isang household ay may nakatira na pito hanggang walong katao.