Nakahanda na ang sapat na bilang ng mga food packs para sa posibleng pananalasa ng La Niña sa malaking bahagi ng bansa.

Ito ang tiniyak ni DSWD – Director of National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla, kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na paghahanda ng ahenisya.

Ayon kay Quintilla, mayroon nang 1.54 milyong family food packs na naihanda ang ahensiya at marami sa mga ito ay naka-preposisyon sa ibat ibang mga field office.

Malaking bultong nito ay nasa Bicol Region na may kabuuang 154,000 food packs habang pangalawa ang CARAGA na may hawak na 144,000 family food packs.

Maraming food packs din ang ipinadala ng DSWD aniya sa mga field office nito sa Northern Luzon at maging sa Region 12.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy din aniya ang ginagawang pagrepake sa mga food packs.