Mahigit 100 kabahayan ang natupok ng malaking sunog sa lungsod ng Drammen, Norway, ayon sa mga rescue official.

Binalot ng makapal na itim na usok ang lugar na nasa humigit-kumulang 50 kilometro ng kabiserang Oslo.

Sa kabila ng lawak ng sunog, wala namang naiulat na nasawi o nawawala sa mga residente.

Mahigit 60 bumbero rin ang ipinakalat upang maapula ang apoy, habang gumamit din ng mga helikopter na nagsaboy ng tubig mula sa himpapawid upang mapigilan ang pagkalat ng sunog.

Dahil sa malalakas na hangin, mabilis na kumalat ang apoy at umabot pa sa kalapit na kagubatan, dahilan upang ilikas na ng mga awtoridad ang daan-daang residente.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog, habang isinasagawa ang assessment sa lawak ng pinsala.