Mahigit sa 100 na mga bakwit ang nagkasakit sa loob ng mga evacuation centers sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng sama ng panahon na dulot ng bagyong Ramon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Val-Aaron Taguinin, Nurse III ng Department of Health RO2, sa bilang na 102 cases pinakamarami sa mga sakit na naitala ang ubo at sipon.
Sinundan ito ng headache and fever, hypertension at diarrhea.
Gayonman, tiniyak ni Taguinin na may mga personnel mula sa human resources for health sa ibat-ibang evacuation centers para sa pagbibigay ng gamot at upang hindi na mahawa ng sakit ang iba pang evacuees.
Siniguro rin niya na malinis at ligtas ang mga inuming tubig na ibinibigay sa mahigit limang-libong bakwit.
-- ADVERTISEMENT --