Pinangangambahan na mahigit 100 ang namatay matapos ang malawakang landslide sa anim na liblib na lugar sa Papua New Guinea.
Natabunan ng pagguho ng lupa ang mahigit 100 na bahay sa kabundukan ng Enga.
Ayon sa mga opisyal ng bansa, hindi pa malinaw sa ngayon kung ilang katao ang natabunan din sa landslides at wala pang kumpirmasyon kung may mga casualties.
Sinabi ni Papua New Guinea Prime Minister Marape na nagpadala na ang pamahalaan ng disaster officials sa lugar upang masimulan ang relief work, paghahanap ng mga nawawala at reconstruction ng mga nasirang imprastraktura.
Ayon naman sa Red Cross Society sa nasabing bansa, may mga ulat na namatay, subalit wala pang eksaktong bilang.
Nasa lugar na rin emergency response team mula sa provincial governor’s office, mga pulis, defence forces, at local non government organization.
Nagsasagawa na rin ng situation assessment ang CARE, isang international humanitarian organization.