
Mahigit 100 Pilipino at Filipino-American runners ang sasali sa New York City Marathon noong Nobyembre 1, kasama ang tinatayang 60,000 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bago ang karera, nagsagawa ng pagtitipon sa Philippine Consulate sa Manhattan upang magbigay ng suporta at paghikayat sa mga kalahok.
Binigyang-diin ni Consul Anna Marie Guerra ang diwa ng bayanihan na nagpapalakas ng loob ng mga mananakbo.
Kabilang sa mga sasabak si fashion designer Bessie Bessana, na halos apat na buwan naghanda para sa kanyang ikalawang pagsali, at si Francis Youn mula Cebu na unang beses sasabak sa full marathon matapos ang isang taong pagsasanay.
Samantala, libo-libong pulis ang ipakakalat sa ruta para sa seguridad ng mga runner at manonood. Ayon sa New York Police Department, wala silang natatanggap na tiyak o kapani-paniwalang banta laban sa naturang event.





