Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 100,000 foreign personnel ng legal Philippine offshore gaming operators (Pogos) ay nabigyan ng hanggang October 15 na boluntaryong i-downgrade ang kanilang work visas upang maiwasan ang deportation.
Ang nasabing bilang ay mahigit apat na beses na mas mataas sa initial estimate na 20,000 na mga dayuhan na nagtatrabaho sa Pogos na sinabi ng BI na maaapektohan sa kautusan na umalis na ang mga ito sa bansa matapos na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ban sa Pogos.
Sa Senate hearing, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ginawa na nilang tourist visa ang employment visas, na tinatawag na 9G visas ng nasa 2,000 foreign workers bilang tugon sa kautusan ni Marcos na ipagbawal ang lahat ng Pogos ngayong taon.
Sinabi ni Tansingco, tinanggihan na rin ng BI ang lahat ng pending applications para sa work documents, kabilang ang mga naghain para sa internet gaming licesees, ang bagong laro ng Pagcor.
Ayon kay Tangsingco, sisimulan nila sa October 16 ang kanselasyon ng 9G visas, na magbubunsod ng termination ng lahat ng operasyon ng Pogo sa December 31, 2024.