Ninakaw ng mga kawatan sa Pennsyvania sa US ang mahigit 100,000 na itlog na nagkakahalaga ng $40,000 mula sa isang grocery.

Ayon sa mga pulis, pinagnakawan ang trailer na naglalaman ng mga itlog ng Pete & Gerry’s Organics sa Greencastle noong February 1.

Ang nasabing insidente ay dahil sa mataas na presyo ng itlog sa gitna ng bird flu epidemic.

Batay sa datos mula sa US government, tumaas ang presyo ng itlog sa mahigit 65 percent nitong nakalipas na taon, at tinaya ng agriculture department na tataas pa ito sa 20 percent ngayong taon.

Nagsimula ang bird flu epidemic noong 2022 at nagbunsod ng outbreaks sa US nitong mga nakalipas na buwan, ayon sa agriculture department.

-- ADVERTISEMENT --

Tinukoy ng ahensiya na tumaas ang presyo ng itlog sa 8 percent nitong buwan lamang ng Disyembre.

May naitalang bird flu epidemic sa mga ibon, mga baka at mammals sa US.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente, at nananawagan sa sinoman na may impormasyon sa nasabing pagnanakaw na ipagbigay-alam sa kanila.