Dinukot ng mga armadong bandido ang maraming katao sa dalawang simbahan sa Kaduna state sa Nigeria.

Ayon sa senior church leader, mahigit 160 ang mga nawawala.

Sinabi ng pulisya sa Kaduna state, inatake ng mga armadong grupo na may bitbit na malalakas na armas ang dalawang simbahan sa Kurmin Wali.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang eksaktong bilang ng mga dinukot ng armadong grupo.

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya, liblib ang lugar at mahirap na marating dahil sa hindi magandang mga kalsada, at ito ang malaking hamon para makakuha ng tamang impormasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Reverend John Hayab, chairmnan ng Christian Association of Nigeria na 172 na mananamba ang dinukot, na kalaunan ay may siyam na nakatakas.

Ayon sa pulisya na may ipinadala nang mga tropa at iba pang security agencies sa lugar at pinaplano na ang mga hakbang para matukoy kung saan dinala ang mga bihag.

Madalas ang nangyayaring kidnappings sa Northwest Nigeria ng mga armadong grupo, kung saan inaatake nila ang mga barangay, eskwelahan at mga simbahan.