Umaabot na sa 4,625 families o 15,206 individuals ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 na apektado ng super typhoon “Nando” at nang Southwest Monsoon o Habagat sa limang probinsiya sa Lambak Cagayan.
Sinabi ni Lucia Alan, director ng DSWD Region 2 na ang Isabela ang may pinakamaraming bilang na 2,581 families o 9,243 persons mula sa 41 barangays.
Sumunod ang Cagayan na may 1,199 families o 8,163 individuals mula sa 15 municipalities.
Ang Batanes na may 144 families o 414 individuals, Nueva Vizcaya na may 135 families o 221 individuals at Quirino na may 127 families o 385 persons.
Sinabi ni Alan na ang mga nasa evacuation centers ay 1,435 families habang ang mga nasa labas naman ay 462 families.
Ayon kay Alan, sapat ang kanilang stockpile ng family food packs at non-ffod items para sa mga evacuees.
Sinabi niya na may naka-preposition na sa mga lokal na pamahalaan na mga ayuda at handa silang magdagdag kung kinakailangan.
Samantala, tatlong spillway gates ang nakabukas sa Magat Dam na may kabuuang 5 metro ang bukas at naglalabas ng 844 cubic meters per second (cms).
Kanina ay naramdaman ang hagupit ng super typhoon Nando sa lalawigan, kung saan ay naranasan ang malalakas na ulan at hangin.
Sa coastal towns tulad sa Calayan, Aparri, at Santa Ana ay nagkaroon ng matataas na alon.
Wala ring suplay ng kuryente sa Calayan at sa ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyo.
Hindi na rin madaanan ang ilang tulay sa lalawigan dahil sa pag-apaw ng tubig.