Aabot sa mahigit 15K indibidwal ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa unang araw ng ika-apat na yugto ng programang “Bayanihan, Bakunahan” sa Cagayan Valley.
Ito ay 23.47% ng mahigit 66K na target na mabakunahan sa tatlong araw na kampanya o 17.42% sa daily target para sa edad 12 pataas.
Sa bilang na ito, 8,448 ang nabigyan ng booster shots, 5,392 ang nabigyan ng 2nd dose habang 1,864 ang binigyan ng 1st dose.
Ang lalawigan ng Batanes ay naka isan-daang porsyento na ng nabakunahan sa kanilang kabuuang target population; 26% sa Cagayan; 20% sa Isabela, 13% sa Nueva Vizcaya; 34% sa Quirino; habang 40% sa Santiago City.
Inaasahan naman na mas dadami pa ang magpapabakuna sa pagpapatuloy ng nasabing tatlong araw na kampanya.
-- ADVERTISEMENT --