Na-recover ng mga otiridad ang nasa mahigit 160 board feet ng mga tinistis na abadonadong kahoy sa bayan ng Tanudan Kalinga.

Ayon kay PCAPT Froland Sim, Officer-in-Charge ng Tanudan PNP, agad silang nagsagawa ng beripikasyon nang makatanggap ng ulat kaugnay sa mga nakitang abandonadong kahoy sa mabundok na bahagi ng bayan ng Tanudan.

Nadatnan sa lugar ang mga kahoy ng red lauan na nagkakahalaga mahigit P8k at tinatayang nasa 3 linggo nang iniwan sa lugar.

Sinabi ni Sim na maaaring hindi nagkasya sa pinagsakyang truck ang mga kahoy kayat iniwan ang mga ito.

Sa ngayon ay dinala na sa kustodiya ng pulisya ang mga nakumpiskang kahoy para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --