Ayaw na muna umanong bumalik sa kanilang mga tirahan ang mga biktima ng lindol nitong Sabado sa Itbayat, Batanes.

Sa inisyal na datos, sinabi ni Gov. Marilou Cayco na nasa 1,093 na kabahayan ang ligtas tirhan subalit tumanggi ang mga residente dahil sa pangambang muling makaranas ng malakas na pagyanig.

Patuloy rin ang nararanasang mga aftershocks sa lugar kung kaya marami ang tila na-trauma sa pangyayari at piniling manatili sa mga itinayong tent sa plaza.

Sa nagpapatuloy na assesment, sinabi ng gubernador na nasa 185 na bahay na ang totaly damaged at 81 ang partially damaged.

Totally damaged rin ang munisipyo, mga pampublikong paaralan, hospital at simbahan sa bayan ng Itbayat.

-- ADVERTISEMENT --