TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa mahigit 1, 000 na research and development ang naiparehistro para sa patent o ang tinatawag na Intellectual Property Registration sa isinagawang dalawang linggo na Research and Development caravan na pinangunahan ng Department of Science and Technology o DOST Region 2.
Sinabi ni Sancho Mabborang , director ng DOST Region 2 na ang tumulong sa pondo para sa patent application ay ang mismong pinuno ng IPO- Philippines.
Ang nangunguna sa mga nasabing research and innovations ay ang sa health and wellness, agriculture at engineering worsk at iba.
Ayon sa kanya, ang susunod nilang aktibidad ay susubukan nilang I-commercialize ang mga ito at umaasa siya na limang porsiyento ang magagawa ngayong taon.
Kasabay nito, sinabi ni Mabborang na natutuwa siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakikiisa na rin ang mga nasa senior high school at mga colleges and universities sa pagsusumite ng kanilang mga likha.
Sinabi ni Mabborang na umaasa siyang sa pamamagitan nito ay mas marami pa ang mahihikayat na gumawa ng kanilang research and development lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa mas marami silang oras na tutukan ito.
Naniniwala din si Mabborang na makakatulong ang mga nasabing likha sa mga liblib na lugar dahil sa kayang itapat ito sa ibang brands at makakalikha ng karagdagang mga trabaho.