TUGUEGARAO CITY- Mahigit 20 establisHimento sa Cagayan Valley ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis noong 2019.

Ayon kay Clavelina Nacar, director ng BIR-RO2 na ito ay sa pamamagitan ng tax mapping na may layuning mabantayan ang pagbabayad ng buwis ng mga establisimyento kung saan 22 stall owners ang lumabag.

Kaugnay nito, nanawagan ang BIR sa mga negosyante na magbayad ng tamang buwis para maiwasang humantong sa pagpapasara sa kanilang negosyo.

Ang Oplan Kandado na programa ng BIR ay ipinatutupad sa buong bansa na may layuning makakolekta ng tamang buwis at labanan ang tax evasion ng ilang mapagsamantalang negosyante.