TUGUEGARAO CITY-Nasa mahigit 20 tonelada ng iba’t-ibang klase ng gulay na nagkakahalaga ng P85,000 ang ibinahagi ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) sa probinsya ng Cagayan bilang tulong sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Engr. Gilbert Cumila, apat na truck ang kanilang ginamit na pinagsakyan sa mga gulay kung saan ang isa ay dinala sa tanggapan ng Department Of Agriculture (DA)-R02 habang ang iba ay dineretyo sa mga benipisaryo sa lungsod ng Tuguegarao at sa iba pang munisipalidad sa probinsya.

Aniya, ang mga gulay ay boluntaryong ibinigay ng mga magsasaka sa lugar bilang tulong din nila sa mga residente sa probinsya kung saan

ilan sa mga ibinahagi ay kalabasa, kamote, gabbage, pipino at marami pang iba.

Bukod dito, mayroon ding 22 sako ng bigas na may tig-25 kilo ang ibinigay ng NVAT.

-- ADVERTISEMENT --

Nakalikom din ang kanilang tanggapan ng cash donation na nakatakdang ipambili ng ibang gamit na ipapamahagi pa rin sa mga nasalanta ng pagbaha.

Tiniyak naman ni Cumila na muli silang babalik sa probinsya para muling magpaabot ng gulay at iba pang tulong katuwang ang DA-R02 at mga pribadong sektor.

Tinig ni Engr. Gilbert Cumila